Ayon sa survey na “The Global Divide on Homosexuality” ng Pew Research Center, 73% ng mga nasa hustong gulang na Pilipino ay sumasang-ayon na ang homosexuality ay dapat tanggapin ng lipunan. Pumapangalawa ang Pilipinas bilang pinaka-gay-friendly na bansa sa buong Asia-Pacific, pagkatapos ng Australia. Sa kabila ng napakaraming bilang na ito, mas mapagparaya lamang ang Pilipinas kaysa sa pagtanggap sa komunidad ng LGBTQIA+.
Ayon sa isang pag-aaral ng United Nations, 30% ng LGBT members sa bansa ang nag-ulat na hina-harass, binu-bully, o nakararanas ng diskriminasyon habang nasa trabaho dahil sa kanilang sexual orientation at gender identity or expression (SOGIE). Sinabi rin ng parehong pag-aaral na 21% ng mga Pilipinong tumutugon ang naniniwala na sila ay tinanggihan ng trabaho dahil sa kanilang SOGIE.
Ang mga bansa tulad ng Canada, Portugal, at Sweden, bukod sa iba pa, ay nagpatupad na ng sarili nilang mga batas laban sa diskriminasyon. Limang bansa sa mundo – Bolivia, Ecuador, Fiji, Malta at United Kingdom – ay may mga konstitusyon na tahasang ginagarantiyahan ang pagkakapantay-pantay batay sa oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian.
Kailian, dapat na bang maipasa ang SOGIE Equality Bill sa Pilipinas?
#MayorAliceAsks#SOGIEEqualityBill#PrideMonth#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride