π΄ππ πππ€ππ‘ ππππ‘πππ ππ¦ ππππ‘π’ππ ππ ππππππππ. π΄ππ π πππππππ ππππ‘πππ ππ¦ ππππ π‘π’πππ π π πππ πππππ€ππ ππ ππππ’ππ’ππππ.
Sa isang makabuluhang pagbisita sa San Antonio East Elementary School sa Brgy. Salingcob, nagdulot ng masusing pagninilay-nilay si Mayor Alicia L. Primicias-Enriquez. Sa kanyang pahayag, sinabi niya, “Ang simpleng bintana ay daan tungo sa mas malawak na karunungan. Isa itong munting bagay na nagbubukas ng malalim na kahulugan sa buhay ng mga nasa paaralan.”
Ang pagbisita ni Mayor Alice ay tumuon sa natapos na repair ng mga bintana sa PPP Building ng paaralan. Hindi lang ito simpleng proyekto, kundi isang simbolo ng pagmamalasakit at pagpapahalaga sa kalidad ng edukasyon.
Sa kanyang mensahe, ipinabatid ni Mayor Alice (na siya ring tumatayong chairperson ng Local School Board) na sa pagsasagawa ng naturang proyekto, ang construction materials ay galing sa LGU, samantalang ang labor ay ambag na ng paaralan.
Kaharap ang mga guro, nagbitiw si Mayor Alice ng pangakong magsusumikap ang LGU San Nicolas na maging katuwang sa pag-unlad ng ating komunidad ang mga paaralan. “Ang bawat proyektong itinataguyod natin ay may layuning mapabuti ang kalagayan ng ating edukasyon. Sa simpleng bintana, mayroong malalim na misyon na nagbubukas sa mas magandang hinaharap,” aniya.
Hindi lamang repair ng bintana ang naging tampok sa pagbisita. Nagsilbing pagkakataon din ito para sa diskusyon at konsultasyon hinggil sa iba pang natapos na partnered projects sa paaralan.
#WindowsOfOpportunitiesAndBlessings
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride