Upang malinang ang kakayahang magbasa na isang mahalagang elemento ng pagkatuto at pundasyon ng habambuhay na pagkatuto, ilulunsad ng probinsya ng Pangasinan ngayong Martes, Hulyo 4, ang APPLIFT โ€œAng Galingโ€ Project sa bayan ng San Nicolas.

Ang nasabing proyekto, sa pakikipagtulungan ng ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ง, ๐€๐ฌ๐ฌ๐จ๐œ๐ข๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ง ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œ ๐‹๐ข๐›๐ซ๐š๐ซ๐ข๐š๐ง๐ฌ, ๐š๐ญ ๐Ž๐Œ๐… ๐‹๐ข๐ญ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž, ay isang reading program of learning and growth na layong palakihin ang mga bata sa Pangasinan bilang โ€œproficient and responsive readersโ€.

Magsisilbing guest speaker ang ama ng Pangasinan, ๐†๐จ๐ฏ. ๐‘๐š๐ฆ๐จ๐ง ๐•. ๐†๐ฎ๐ข๐œ๐จ ๐ˆ๐ˆ๐ˆ kasama ang guest storyteller na si Provincial First Lady ๐Œ๐š๐š๐ง ๐“๐ฎ๐š๐ณ๐จ๐ง-๐†๐ฎ๐ข๐œ๐จ sa launching ng APPLIFT Project.

โ€œKaabang-abang ang launching ng proyekto dahil dadaluhan ito ng provincial at municipal officials, librarians, reading advocates, teachers, students, storybook writers, at storytellers. Isa itong pagsasama ng mga indibidwal na kumikilala sa pagbasa bilang instrumento sa paglinang ng mga kakayahan na kailangan ng sinuman upang magtagumpay sa hinaharap,โ€ saad ni Mayor Alice.

Nakalinya rin ang APPLIFT project activities na tiyak na aabangan sa buong probinsya: book exploring, library orientation, community workshop, book fair, Hiyas, box of gems, at book donation drive.

#APPLIFT#AngGalingProject#ReadingProgram#Learning#Growth#RaisingProficientAndResponsiveReadersInPangasinan#ReadingAdvocacy#BookExploring#CommunityWorkshop#BookFair#BoxOfGems#BookDonationDrive#ProvinceOfPangasinan#PangasinanPublicLibrarians#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon