Sa pakikipagtulungan ng Probinsiya ng Pangasinan sa Association of Pangasinan Public Librarians (APPLI) at OMF-Hiyas, matagumpay na nailunsad nitong Hulyo 4-5 sa bayan ng San Nicolas ang APPLIFT Ang Galing Project, isang programa sa pagbasa na layong palakihin ang mga bata sa Pangasinan bilang bihasa at tumutugon na mambabasa.

Kaugnay nito, pinuri ni Dr. Luis β€œTito Dok” Gatmaitan, isang premyadong awtor ng mga kuwentong pambata, ang naging partnership ng APPLI sa book publisher na OMF-Hiyas upang magkaroon ng β€˜reading revolution sa lalawigan, one community at a time’.

β€œNakatutuwang makita na ang mga estudyante ng San Nicolas ay matamang nakikinig at nakiki-interact during the storytelling sessions. Nandun ang saya nang mamigay ng libreng kopya ng aking mga aklat ang OMF-Hiyas na naging posible dahil sa suporta ng Project Kaakbay ng UNILAB Foundation,” saad ni Tito Dok.

Pinuri rin niya sina Mayor Alicia Primicias-Enriquez and Vice Mayor Alvin Bravo sa pagsuporta sa ganitong inisyatibo dahil mahalaga aniya ang suporta ng mga local leader upang mapayabong ang kultura ng pagbabasa.

Dagdag pa niya, β€œAng naganap na reading-related activity sa San Nicolas ay pasimula pa lang. Sana’y maging ehemplo ito ng iba pang mga munisipalidad at lungsod sa Pangasinan at mga karatig na lalawigan. Siyempre, gusto rin nating makitang aktibong nagbabasa rin, di lang ang mga bata’t kabataan na mas hooked sa social media, kundi pati mga adults gaya ng mga parents, teachers, at librarians.”

Samantala, nagpaabot ng pasasalamat si Darwin Soria, municipal librarian, sa suportang ibinigay ni Mayor Alice at ng LGU San Nicolas bilang host municipality sa pagpapasinaya ng proyekto. Inaasahan din niya na mas mapayabong pa ang kultura ng pagbasa sa probinsiya.

β€œDi lamang sana humangga sa pagbabasa kundi matutuhang maintindihan ng mga bata ang kanilang mga binabasa upang magamit nila ito sa kanilang patuloy na pakikibaka tungo sa matagumpay na hinaharap,” aniya.

#APPLIFT#AngGalingProject#Launching#ReadingProgram#Learning#Growth#RaisingProficientAndResponsiveReadersInPangasinan#ReadingAdvocacy#BookExploring#CommunityWorkshop#BookFair#BoxOfGems#BookDonationDrive#ProvinceOfPangasinan#PangasinanPublicLibrarians#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon