Upang maprotektahan ang mga manininda at kanilang mga produkto sa Wet Market ng San Nicolas mula sa init ng araw, muling nagpagawa ang pamahalaang lokal ng mga canopy sa magkabilang bahagi ng pamilihang bayan.
βHindi natin puwedeng balewalain ang sakripisyoβt hirap ng ating mga vendors kung kayaβt nang makita nating kailangan pa nila ng canopy ay hindi tayo nag-atubiling ipagkaloob ito sa kanila,β saad ng alkalde.
Dahil sa proyektong ito, muling nagpaabot ng pasasalamat ang vendors association sa patuloy na pagsuporta at pagtulong ni Mayor Alice sa kanilang sektor lalo na ngayong mataas ang heat index sa lalawigan ng Pangasinan.
Matatandaang nakapagtala ng mataas na heat index ang lalawigan sa buong bansa kung kayaβt malaking tulong ang canopy upang makasilong at maprotektahan pa ang mga manininda mula sa patuloy na pag-init ng panahon.
Dagdag pa ni Mayor Alice, βNoong pandemya, sila ang naging katuwang natin upang patuloy na makapagbigay ng serbisyo sa mga mamamayan ng San Nicolas sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Kayaβt nararapat lamang na ibalik natin ito sa kanila sa pamamagitan ng mga ganitong proyekto.β
#NewCanopy#WetMarket#SanNicolasPublicMarket#ForSanNicolasVendors
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride