Kailian, natutuwa po akong ipakita sa inyo ang kasalukuyang anyo ng ating Agpay Eco-Tourism Park sa Brgy. San Felipe East na patuloy pa nating inaayos at pinapaganda para magkaroon po tayo ng isang maipagmamalaking adisyunal na tourist attraction sa ating bayan.
Kung inyo pong susuriin ay may nagawa na po tayong swimming pool for adults at meron na din for kids na puede tayong mag-enjoy ng swimming kasama ang ating pamilya para sa ating mga bonding moments.
Napakarami pa nating ginagawa at gagawin pang improvements sa Agpay Eco Park upang maging kaaya-aya ito sa lahat maging sa ating mga bisitang turista ngunit limitado po ang ating budget kaya upang maging sustainable po ang pagsasaayos at maintenance dito ay inihahanda na rin ng ating Sangguninang Bayan ang ordinansa para sa mga rules and regulations na ipapatupad dito gayundin ang ipapatupad na reasonable Environmental Fee.
Sa ngayon ay inaayos na din po natin ang perimeter fence at isinasagawa ang mga adisyunal na landscaping at riprapping dito upang masiguro natin ang seguridad at kaligtasan ng ating mga kababayan at bisita.
-𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙
#TheBeforeAndAfterOfAgpayEcoPark
#ImprovingAndBeautifyingAgpayEcoParkSomeMore
#FamilyBonding#AdditonalTouristAttraction
#EndDrowningNowProgramPermanentVenue
#TowardsADrowningFreeSanNicolas
#BreedingGroundForSanNicolasSwimmingChampions
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride