Upang matiyak na mas maraming San Nicolanians pa ang magkaroon ng mas madaling akses sa mga libreng serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, pinangunahan ni ๐๐ญ๐ก ๐๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐๐ญ ๐๐จ๐ง๐ . ๐๐๐ซ๐ฅ๐ฒ๐ง ๐. ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐๐ข๐๐ฌ-๐๐ ๐๐๐๐ฌ ang pag-turnover ng barangay health station package mula sa Kagawaran ng Kalusugan sa Brgy. Salingcob noong Marso 28.
Labis ang tuwa ni ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐๐ฉ๐ญ. ๐๐จ๐๐ฅ ๐๐ซ๐ญ๐ข๐ ๐ฎ๐๐ซ๐จ at kaniyang mga kasamahan nang personal na iabot ni Cong. Marlyn ang fetal doppler, weighing scale with BMI calculator, dressing cart, instrument cabinet, examining table with stirrups, medicine cabinet, minor surgical set, mechanical bed 3 cranks,
EENT diagnostic set, infant weighing scale, at spine board sa kanilang lugar.
Ipinaabot ni Ortiguero ang kaniyang pasasalamat sa DOH at kay Cong. Marlyn kasama sina ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐ฅ๐ข๐๐, ๐๐ข๐๐ ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐ฅ๐ฏ๐ข๐ง ๐๐ซ๐๐ฏ๐จ, ๐๐ฎ๐ง๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ๐จ๐ซ๐ฌ ๐๐ฎ๐๐๐ง ๐๐๐ฌ๐๐๐ซ๐ ๐๐ซ, ๐๐ข๐ค๐จ ๐๐ซ๐๐ฏ๐จ, ๐๐๐ข๐ซ๐ฎ๐ฌ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ, ๐๐๐๐ซ๐๐ฅ๐ข๐ญ๐จ ๐๐ข๐๐๐ญ ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ง ๐๐๐ซ๐ช๐ฎ๐ขรฑ๐ na sama-samang naghatid ng handog na kagamitang medikal sa Brgy. Salingcob
Samantala, binigyang diin naman ni Mayor Alice na ang sektor ng kalusugan ay isang mahalagang bahagi ng pag-unlad ng ating bayan at ang pandemya ang nagtulak sa San Nicolas na itaguyod at paigtingin pa ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga mamamayan sa tulong ng DOH at ni Cong. Marlyn.
โPagsisikapan nating mas marami pang residente ang matulungan lalo na ang mga mahihirap nating kababayan upang mabigyan sila ng mas maginhawang access sa mga programang medikalโ pahayag ng alkalde.
#LenCares#TogetherWeServe#PrimiciasAgabasCares#ThankYouDepartmentofHealth#ThankYouCongMarlyn#EffectiveMedicalServicesinSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride