Bilang pagkilala sa kanilang natatanging ambag sa taunan nang tradisyon ng paghimok sa mga komunidad at sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang tiyaking handa, ligtas at malinis ang babalikang paaralan ng mga bata o mas kilala bilang 𝐁𝐫𝐢𝐠𝐚𝐝𝐚 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚, ginawaran ng parangal ang mga Best Implementing School ng San Nicolas.
Sa pagtitipong ginanap sa Municipal Auditorium, nagsama-sama ang mga punong-guro, mga school coordinator ng Brigada Eskwela, Parents Teachers Association, mga stakeholders, mga district supervisor, Pangasinan Division II representative at LGU San Nicolas sa pangunguna ni Mayor Alice Primicias-Enriquez at Vice Mayor Alvin Bravo.
“Mahalaga ang papel na ginagampanan ng bawat isa upang mas maiangat pa natin ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Kung kaya’t kami ay mananatiling nakatuon sa paglilingkod at lagi naming susuportahan ang mga programa at hakbangin ng DepEd,” saad ni Mayor Alice.
Pagpapatuloy pa ng alkalde, gamitin ng bawat eskwelahan na inspirasyon ang tagumpay na ito upang patuloy na matugunan ang pangangailangan ng mga kabataang San Nicolanian lalo na sa aspeto ng edukasyon.
Nagwagi sa Small School Category-Elementary Level ang Cabitnongan Elementary School, Dalumpinas Elementary School, San Jose Elementary School, Salpad Elementary School, Kabayabasan Elementary School, Cacabugaoan Elementary School, Sobol Elementary School, Malilion Elementary School, Camindoroan Elementary School, Bangar Elementary School, San Antonio East Elementary School, Malico Elementary School, Puyao Elementary School, Sto. Tomas Elementary School, at Pastonan Elementary School.
Sa Medium School Category, pinarangalan din ang East Central School, West Central School SPED Center, San Roque ANP Pilot School, Sta. Maria Elementary School, at San Rafael Elementary School at sa Large School Category naman ang San Felipe Integrated School.
Sa Secondary Level, hindi naman nagpahuli ang Cacabugaoan National High School (Small School Category), Dalumpinas National High School, Sta. Maria National High School, Sto. Tomas National High School, at San Isidro National High School (Medium School Category), at San Nicolas National High School (Mega School Category) na patuloy na nagbibigay ng karangalan sa bayan ng San Nicolas.
Taon-taon, nagsasagawa ng pagkukumpuni, muling pagpipinta sa mga pader, kisame at bubong, pag-aayos sa mga may tagas na tubo, paglilinis sa palikuran at pagla-landscape bukod pa sa pagre-recruit ng mga volunteer at pagkalap ng donasyon para sa Brigada Eskwela.
#BrigadaEskwela20222023#BestImplementingSchools#BrigadaEswkelaAwardingCeremony
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride