Kailian, upang mas maayos nating maihanda ang Agpay Eco-tourism Park sa padami ng padami na ng mga turistang bumibisita dito ay nagpapatuloy po sa ngayon ang development at konstraksyon para sa mga pasilidad na susuporta sa muling pagbubukas nito.

Sa ngayon nga ay inaayos natin ang daanan sa loob nito sa pamamagitan ng concreting project natin na makakapagbigay ng maayos na pagbaybay sa loob ng ating eco-park. Ang proyekto ay may habang 82 metro, lapad na 6 metro, at kapal na walong pulgada o 20cm.

Maliban dito ay patuloy ang isinasagawa natin ang landscaping sa maraming parte nito upang higit na magustuhan ng ating mga turista ang pagbisita dito.

Inihahanda na rin natin at isinasaayos ang iba pang mga pasilidad bilang suporta sa mga adisyunal na amenities nito katulad ng swimming pool at picnic area, at iba pang mga amenities na mas magpapasigla pa para sa mga patuloy na tumatangkilik ng ating ecopark.

”Ang totoo ay napakaraming proyekto ang nais nating isagawa sa ating ecopark upang pasiglahin na rin ang ekonomiya sa parteng ito ng ating bayan at pasiglahin pa ang turismo na s’yang makakapagbigay ng malaking tulong para sa mga kababayan natin sa Brgy. San Felipe East. Napakaraming aktibidad din ang gusto nating ilunsad dito na makakapagbigay ng saya para sa ating mga nasasakupan at bisita kaya sana ay inyong maintindihan kung bakit hanggang sa ngayon ay minabuti na muna nating itong nakasara.”

Pangako po namin na sa muling pagbubukas nito ay hindi lamang kayo matutuwa kundi ikararangal nating lahat ang Agpay Eco-tourism Park.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pang-unawa. πŸ€—πŸ’–

-πŒπ€π˜πŽπ‘ π€π‹πˆπ‚πˆπ€ 𝐋. ππ‘πˆπŒπˆπ‚πˆπ€π’-π„ππ‘πˆππ”π„π™

#AgpayEcoParkContinuingDevelopment

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon