Patuloy pa rin ang paghahandog ng makabuluhang proyekto para sa bayan ang pamahalaang lokal ng San Nicolas. Patunay rito ang pagkakaloob ng extension shed sa barangay hall ng Brgy. Calaocan.

Sa pagtatapos ng pangalawang bahaging ito ng proyekto, binisita ni Mayor Alice ang nasabing barangay kung saan bumungad sa kaniya ang abot-tengang ngiti ng barangay officials at staff.

Nagpasalamat si Punong Barangay Murphy Estrada at iba pang opisyales ng barangay Calaocan kay Mayor Alice dahil sa kanyang walang humpay na suporta lalo na sa mga proyektong makakapagbigay ng benepisyo sa mga tao.

“July 28 natapos ang unang bahagi ng proyektong ito kung kaya’t sabik akong makita ang kinalabasan nito. Hindi naman tayo nadismaya dahil nakita nating tuwang-tuwa ang Brgy. Calaocan. May magagamit na silang lugar ng pagpupulong at venue sa barangay activities,” saad ng alkalde.

Naglaan ang pamahalaang lokal ng San Nicolas ng mga materyales sa proyektong ito: 13 piraso ng cut 24 wall flushing, 2012 pcs texscrew 2”, dalawang kahon ng blind river 1/8, 16 piraso ng gutter (banawe type ) cut 24, anim na piraso ng pacia cover, siyam na piraso ng rib type long span sheet 3.7m x 0.4 (pre painted white), 27 piraso ng rib type long span sheet 3.3m x 0.4 ( pre painted white), tatlong piraso ng PVC pipe 3” orange, tatlong piraso ng PVC elbow 3” short orange, tatlong litro ng vulcaseal, pitong piraso ng steel drill bit 5/32, at 3 piraso ng reviter heavy duty.

Inaasahang marami pang proyekto sa buong bayan ang bibisitahin ni Mayor Alice dahil sa patuloy na pagseserbisyo at mainit na suporta ng pamahalaang lokal ng San Nicolas sa kaniyang mamamayan.

#ExtensionShed#BarangayHall#BrgyCalaocan#AyatNiMayorAlice#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon