Ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas ay magbibigay ng fertilizers sa tatlumput anim (36) na magsasaka na nagtanim ng tabako noong 2019 to 2020. It ay nagkakahalaga ng dalawampung libong piso (P20,000) kada ektaryang kanilang natamnan mula sa kaukulang bahagi ng lokal na pamahalaan sa koleksyon ng Tobacco Excise Tax.

๐™Ž๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ข๐™–๐™œ๐™จ๐™–๐™จ๐™–๐™ ๐™– ๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ž๐™จ ๐™ฃ๐™– ๐™ข๐™–๐™œ๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ข ๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™–๐™—๐™–๐™ ๐™ค, ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™ค๐™ ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ข๐™–๐™๐™–๐™ก๐™–๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™–๐™œ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™–๐™—๐™ค๐™ฉ ๐™™๐™ž๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™๐™–๐™ก๐™–๐™œ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™™๐™–๐™ก๐™–๐™ฌ๐™–๐™ข๐™ฅ๐™ช๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™ž๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ค (๐™‹20,000) ๐™ ๐™–๐™™๐™– ๐™š๐™ ๐™ฉ๐™–๐™ง๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™ข๐™–๐™œ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™จ๐™– ๐™œ๐™–๐™จ๐™ฉ๐™ช๐™จ๐™ž๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ข ๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™ค.

Ayon kay Mayor Alice, ang tulong na ito para sa mga magsasaka ay magmumula sa bahagi ng LGU mula sa tobacco excise tax collection para sa locally manufactured tobacco alinsunod sa Republic Act (RA) 8240.

โ€œNaniniwala po ako na bagama’t humihina ang industriya ng tabako sa kabuuan ay marami pa ring indibidwal lalo na ang ating mga magsasaka sa ating bayan na patuloy na nagtatanim nito at naaapektuhan dahil sa pagkalugi minsan ng kanilang kapital kayaโ€™t nais natin silang suportahan sa pamamagitan ng tulong na ito,โ€ ani ni Mayor Alice.

Ayon sa National Tobacco Administration, hindi bababa sa tatlong uri ng tabako ang itinatanim sa 23 na mga lalawigan ng ating bansa. Ang Virginia tobacco ay itinatanim sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra at La Union.

Ang Burley tobacco naman ay itinatanim sa Pangasinan, Isabela, Cagayan, Tarlac, Occidental Mindoro, at sa ibang parte ng La Union at Abra.

Meron ding native o dark tobacco na itinatanim sa Pangasinan, La Union, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Capiz, Iloilo, Cebu, Negros Oriental, Leyte, Zamboanga del Sur, Bukidnon, Misamis Oriental, North Cotabato, at Maguindanao.

Mula nang ipatupad ang Sin Tax Law noong 2013, mahigit 20 milyong kilo ng tobacco ang ibinaba sa produksyon nito kayaโ€™t libu-libong magsasaka rin, kasama na ang kanilang pamilya at mga taong nakadepende sa tobacco farming, ang tinamaan ng paghina ng produksyon nito.

Para sa karagdagang impormayon ukol sa ating tulong pinansyal para sa mga tobacco farmers ay maari po kayong makipag-ugnayan sa ating Municipal Agriculture Office.

#SuportaParaSaMgaTobaccoFarmers

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon