Kailyan, isang magandang paraan upang matiyak natin ang ating kahandaan sa banta ng kalamidad lalong-lalo na ng lindol ay ang pakikilahok sa mga isinasagawang drills katulad nga ng quarterly 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐰𝐢𝐝𝐞 𝐒𝐢𝐦𝐮𝐥𝐭𝐚𝐧𝐞𝐨𝐮𝐬 𝐄𝐚𝐫𝐭𝐡𝐪𝐮𝐚𝐤𝐞 𝐃𝐫𝐢𝐥𝐥 (NSED) sa ating bansa na regular na inoorganisa ng 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐑𝐞𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 (NDRRMC) through the 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐨𝐟 𝐂𝐢𝐯𝐢𝐥 𝐃𝐞𝐟𝐞𝐧𝐬𝐞 (OCD).

Ang atin pong bayan, sa pamamagitan ng 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐑𝐞𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 (MDRRMC) na pinamumunuan ng inyong lingkod at 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐑𝐞𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (DRRMO) na pinangungunahan ni DRRMO Officer 𝐒𝐡𝐚𝐥𝐥𝐨𝐦 𝐆𝐢𝐝𝐞𝐨𝐧 𝐁𝐚𝐥𝐨𝐥𝐨𝐧𝐠, ay maigting na sumusuporta sa mga ganitong aktibidad sa paglalayon nating itaas ang kamalayan at pataasin ang kahandaan ng bawat San Nicolanians sakaling magkaroon ng potensyal na lindol sa ating bayan o lalawigan.

Lumahok po tayo sa mga ganitong mga aktibidad at makipagtulungan sa ating mga barangay officials, pamunuan ng ating mga paaaralan, at mga organisasyon sa ating kumunidad upang mapa-angat po natin ang lebel ng ating kahandaan sa ganitong uri ng kalamidad.

Maraming salamat po, God bless at palagi po tayong mag-ingat 🙏🙏

~𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙

#NationwideSimultaneousEarthquakeDrill

#MagingHandaSaBantaNgLindol

#JoinTheDrillsInYourSchoolsAndCommunity

#NDRRMC#OCD#MDRRMC#SanNicolasDRRMO

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon