Upang hindi masayang ang lumang gusali ng Pastoran Elementary School (PES), humiling ang pamunuan ng paaralan kay Mayor Alice at sa pamalaang lokal ng San Nicolas ng bagong kisame sa tatlong klasrum nito.

Ang kisameng may kabuuang sukat na 212 metro kuwadrado (na may interior area na 144 metro kuwadrado at eaves area na 68.50 metro kuwadrado) na pinamugaran ng anay ay muling binigyang buhay dahil sa proyektong ito.

โ€œSayang ang gusaling ito kung pababayaan dahil maaari pa rin itong gamitin bilang Guidance room, school clinic, Disaster and Risk Reduction Management Office, at iba pang opisina,โ€ ani Robinson Bayson, ulong guro ng PES.

Ayon kay Bayson, nagpakita ng suporta ang buong komunidad ng Pastoran nang imungkahi niya ang proyekto na makatutulong sa kanilang mga anak.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Bayson at ang buong komunidad ng PES sa tulong ni Mayor Alice sa mga proyektong sinuportahan niya para sa bata at para sa bayan.

#PastoranElementarySchool

#InstallationOfCeilings#OldBuilding

#ParaSaBata#ParaSaBayan

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon