Isang malawakang pagbabakuna laban sa sakit na tigdas at polio na karaniwang dumadapo sa mga kabataang nasa gulang na siyam hanggang limamput-limang buwan ay ilulunsad sa bayan ng San Nicolas sa pangunguna mismo ni Mayor Alice.
Ilulunsad sa Mayo 2 at tatagal hanggang Mayo 31, ang programang ito ay naglalayong protektahan ang mga kabataaang San Nicolanians na wala pang limang taon mula sa potensyal na nakamamatay ngunit maiiwasang sakit na tigdas at polio.
Ang isasagawang pagbabakuna ay sa pakikipagtulungan ng Municipal Health Office sa pamumuno ni ๐๐ซ. ๐ ๐ซ๐๐ง๐๐ข๐ฌ ๐๐๐ฐ๐ซ๐๐ง๐๐ ๐๐ฎ๐๐ข๐๐จ.
โDapat nating mapataas ang antas ng pagbabakuna laban sa tigdas at polio lalo na sa mga ganitong buwan na mainit upang maiiwas natin ang ating mga anak na maapektuhan ng mga sakit na ito. Ang tigdas ay nagdudulot ng malubhang sakit sa paghinga sa mga kabataan na maaaring magresulta sa kamatayan at ang polio naman ay kalimitang humahantong sa paralisis. Ang dalawang sakit na ito ay parehong maaaring magresulta sa kamatayan,โ ayon kay Mayor Alice na isa ring doktor, nurse at pharmacist.
Ang mga skedyul ng nasabing pagbabakuna ay ang mga sumusunod:
San Roque (Buong araw ng Mayo 2 at Mayo 3)
San Felipe East (Buong araw ng Mayo 4)
San Felipe East at Calanutian (Buong araw ng Mayo 5)
San Rafael District (Buong araw ng Mayo
Poblacion East (Buong araw ng Mayo 9)
Sta. Maria East (Buong araw ng Mayo 10)
Cacabugaoan at Sta. Maria West (Buong araw ng Mayo 11)
Cabitnongan at Calaocan (Buong araw ng Mayo 12)
Dalumpinas, Salingcob at Lungao (Buong araw ng Mayo 15)
5Cs (Buong araw ng Mayo 16)
Siblot at San Jose (Buong araw ng Mayo 17)
Casaratan at Poblacion West (Buong araw ng Mayo 18)
Malilion at San Felipe West (Buong araw ng Mayo 19)
San isidro, Bensican at Salpad (Buong araw ng Mayo 22)
Sobol at Nining (Buong araw ng Mayo 23)
Fianza (Buong araw ng Mayo 24)
Malico (Buong araw ng Mayo 25)
Ayon kay Mayor Alice, matapos nito ay may isasagawa ring follow-up na buong araw ng pagbabakuna ang ating Rural Health Unit mula Mayo 26 hanggang Mayo 31 sa mga lugar na kailangan pang maglunsad ng karagdagang immunisasyon.
Sa kabuuan ay masasakop ng pagbabakuna ang 33 barangays ng bayan ng San Nicolas na pagsisikapang matapos ng 3 teams na kinukumpunihan ng dalawang supervisors, isang vaccinator, isang recorder, at isang guide bawat team.
#MassiveVaccinationAgainstMeaslesAndPolio
#TowardsMeasleFreeAndPolioFreeSanNicolas
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride