Ang pagbibigay ng kahalagahan sa isinasagawang Flag Ceremony tuwing Lunes bilang pagbubukas sa Linggo ng Paggawa ay isang mabisang daan upang maipakita ng mga opisyal at kawani ng gobyerno ang pagmamahal sa bayan at ito rin ang pagkakataon upang hindi lamang bigkasin kundi isapuso at isadiwa ang mga kataga ng ๐๐๐ง๐ฎ๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง.
Ito ang binigyang diin ni Mayor Alice sa isinagawang Flag Ceremony nito lamang nakaraang Lunes, Mayo 29, bilang paghimok sa mga opisyal at kawani ng San Nicolas LGU na โi-internalize natin ang Panunumpa ng Lingkod Bayan as this is the best moment for us to be inspired of our duties and responsbilities as public servants and employees and, in a sense, renew our commitment to public service.โ
โLet us always take into heart as we recite our pledge because this is our commitment to the very people we vowed to serve,โ ani pa ni Mayor Alice.
โBilang mga opisyal at kawani ng gobyerno, ang pagmamahal sa ating bayan ay dapat nating isabuhay sa pamamagitan ng tamang pagbibigay ng serbisyo sa ating mga kababayan at lahat ng โyan ay napapaloob sa binibigkas nating Panunumpa tuwing Flag Ceremony kayaโt napakahalaga ang ating pagdalo sa ganitong mga pagkakataon para sa pag-internalize ng panunumpa nating ito,โ saad pa niya.
Inatasan din ni Mayor Alice ang mga Department Heads na siguraduhin na ang mga kawani ng bawat departamento ng LGU ay makabisado ang Pangasinan Hymn dahil aniya mayroon pa syang nakikitang hindi umaawit nito tuwing Flag Ceremony.
#InternalizingPanunumpaNgLingkodBayan
#RenewingTheCommitmentToPublicService
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride