Muli ay inaabisuhan po natin ang ating mga kababayan lalong-lalo na ang mga motorista na palagiang dumadaan sa Villa Verde Trail na kung maaari ay ipagpaliban muna ang pagdaan dito dahil sa panibagong pagguho na maaaring maghatid sa kapahamakan.

Ang ating opisina ay nakikipagugnayan na sa DPWH katulong ang opisina ni 𝟔𝐭𝐡 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬𝐰𝐨𝐦𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐥𝐲𝐧 𝐋. 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐢𝐜𝐢𝐚𝐬-𝐀𝐠𝐚𝐛𝐚𝐬 upang agarang makumpuni ang mga kasiraang nangyari sa daang ito na patungo sa 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐜𝐨 o ang tinaguriang 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐒𝐮𝐦𝐦𝐞𝐫 𝐂𝐚𝐩𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐨𝐟 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬𝐢𝐧𝐚𝐧.

Kung hindi naman maiiwasan na dumaan dito, ang payo ng ating DRRMO ay doblehin ang pag-iingat at siguruhing light vehicles lamang ang sasakyan sapagkat hindi po kakayanin ang mga malalaking sasakyan dahil sa malalaking tipak ng bato at lupa na ngayon ay nakaharang dito.

Keep safe, everyone 🙏🙏

~𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙

#WarningToAllMotorists

#NewLandslinesSaVillVerdeTrail

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon