Sa patuloy po nating pag-alalay sa ating mga kababayang nangangailangan ay nagsagawa po tayo ng panibagong distribusyon ng financial assistance nitong Miyerkules bilang tulong sa medical at burial needs ng ating mga kababayan.

Sa pamamahaging ito ay nakapaglaan tayo ng P5,000 para sa isa nating kababayan, P3,000 sa 13 nating kababayan, P2,000 sa 46 nating kababayan, at P1,000 sa 37 pa nating kababayan. Sa kabuuan ay nakapaghandog po tayo ng P239,000 na tulong na binubuo ng P66,000 para sa burial assistance at P173,000 naman para sa medical assistance.

Sa panibagong distribusyon pong ito ay kasama ko si 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐀𝐥𝐯𝐢𝐧 𝐁𝐫𝐚𝐯𝐨 𝐚𝐭 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫𝐬 𝐉𝐮𝐧 𝐒𝐞𝐫𝐪𝐮𝐢ñ𝐚, 𝐋𝐞𝐨𝐦𝐚𝐫 𝐒𝐚𝐥𝐝𝐢𝐯𝐚𝐫, 𝐚𝐭 𝐊𝐢𝐤𝐨 𝐁𝐫𝐚𝐯𝐨. Maliban sa financial assistance ay namahagi din po kami sa ating mga kababayang nangangailangan ng mga assistive devices.

Nawa sa mga munting suporta na katulad nito ay maibsan namin ang inyong mga dinadalang bigat sa buhay lalo na sa panahon ng pangangailangang medikal at pagdadalamhati.

Huwag po kayong mag-atubili na ipaalam sa amin kung kailangan n’yo ang aming tulong dahil karangalan po namin na kayo ay matulungan at paglingkuran.

Maraming salamat po 💓

~𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙

#AnotherRoundOfFinancialAssistance

#TulongNgLGUsaPanahonNgPangangailagan

#MedicalAssistance#BurialAssistance

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon