Naidaos na kamakailan lang ang pay-out para sa mga Solo Parents, IP Members at PWDs na lumahok sa isinagawa nating Cash-for-Work Program na pinangunahan ng ating Public Employment Service Office (PESO) na pinamumunuan ng ating PESO Manager na si 𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐥𝐞𝐧𝐞 𝐁. 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐚.

Ang programang Cash-for-Work ay patuloy nating inilulunsad sa ating bayan upang masuportahan ang ating mga kababayang nangangailangan ng temporaryong pangkabuhayan. Bagama’t limitado lamang sa limang araw araw ang pagtatatrabaho sa ilalim ng programang ito na may kaukulang bayad na P370 bawat araw ay malaking tulong na rin ito para sa ating mga kababayang walang pinagkakakitaan. Sa batcn pong ito ay nagkaroon po tayo ng 108 na beneficiaries na mula sa ibat-ibang barangay ng ating munisipalidad.

Ang programang ito ay regular na inilulunsad sa pakikipagtulungan ng ating Municipal Social Welfare and Dewelopment Office sa pangunguna ni 𝐌𝐚’𝐚𝐦 𝐃𝐞𝐥𝐢𝐚 𝐃𝐚𝐥𝐮𝐭𝐚𝐠

.

~𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙

#CashForWorkPorgram

#BenefitingSoloParentsIPsAtPWDs

#ContinuingSupportToOurKailians

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon