Inspirasyon ko po ang inyong mga ngiti, pasasalamat, at yakap tuwing bumibisita ako upang mag-alay ng mga assistive devices sa ating mga kababayang may sakit at dinadalang kapansanan. Itong nakaraang Miyerkules ay pitong (7) pasyente po ang ating nadalaw upang dalhan ng kinakailangan nilang assistive device, i-check ang kanilang kalagayan medikal, at bigyan na rin ng konting tulong katulad ng gamot at bigas.

Alam kong ramdam n’yo ang aking pagmamahal at malasakit kaya’t walang humpay ang paghatid natin ng ganitong serbisyo sa ating mga kababayang San Nicolanians. Salamat po sa sukling yakap at pagmamahal. Naririto lang po ako palagi upang umalalay sa inyong mga pangangailangan.

Sa mga nangangailangan po ng mga assistive devices na katulad nito ay lagi pong handa ang aking opisina. Makipag-ugnayan lang po kayo kay Nurse Rania upang maisama po kayo sa aking isinasagawang regular home visits.

#7AssistiveDevicesDelivered

#BringingTheGovtCloserToThePeople

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon