Muling pinatunayan ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang kaniyang dedikasyon sa paglikha ng isang ligtas at drug-free na komunidad matapos itong kilalanin bilang isa sa mga high-functioning local government units sa 2022 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit.
Nakatanggap ng perpektong marka na 100, na nagsasaad ng Highly Functional Performance para sa kanilang ADAC ang LGU San Nicolas at nagawang matugunan ang 2022 Anti-Drug Abuse Council Performance Audit na mga kinakailangan.
Sinuri ang bayan ng San Nicolas sa pagtatatag o muling pagsasaayos nito ng mga lokal na ADAC sa pamamagitan ng pagdaraos nito ng mga quarterly meetings, ang paglalaan ng pondo, ang pagpapatupad ng mga plano at programa, at mga inobasyon, kasama ang mga kondisyon para sa Performance Award na kinabibilangan ng mga barangay na may lubos na epektibong BADAC, sustainability ng drug-cleared o drug-free status, at pagbaba sa katayuan ng epekto ng droga ng mga barangay noong CY 2022.
βNagbunga ang pambihirang pagsisikap sa pagtupad ng ating mga tungkulin bilang pagsuporta sa programa ng anti-illegal drug campaign ng pambansang pamahalaan. Ang tagumpay na ito ay isang patunay na totoo tayo sa ating pangako na pagsisikapang makapamuhay nang ligtas at maayos ang buong San Nicolanians,β saad ni Mayor Alice.
Tinitingnan din ng pamantayan sa paggawad ang functionality ng ADAC, sustainability ng drug-cleared at free status, at porsiyento ng completion rate ng Community-Based Drug Rehabilitation Program graduates vs. enrollees.
Iginawad ang 2022 National ADAC Performance Award ng Department of Interior and Local Government at ng Dangerous Drugs Board.
#HighFunctional#AntiDrugAbuseCouncilPerformanceAudit#CongratulationsLGUSanNicolas#DrugFreeSanNicolas#DepartmentOfInteriorAndLocalGovernment#DangerousDrugsBoard#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride