Sa pagpapaigting po ng ating kahandaan para sa napapanahong pagtugon sa mga emergencies, disasters, or calamities ay nagsagawa po ang ating lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng isang komprehensibong training sa First Aid, Basic Life Support, at CPR for Emergency Response na nilahukan ng ibat-ibang sektor sa ating bayan.
Ang training na ito na ginanap noong August 29-31, 2023 ay pinalolooban ng samot-saring kaalaman sa pagbibigay ng paunang lunas para sa Emergency Response kaya’t nagpapasalamat po tayo sa mga sangay ng ating lokal na pamahalaan gayundin ng ibat-ibang grupo at asosasyon na ating kaagapay upang mapanatili ang kaligtssan at seguridad ng ating mamamayan lalong-lalo na sa panahon ng kalamidad.
Sa puntong ito ay pinapasalamatan natin ang kalipunan ng mga participants na nagmula sa ating MSWDO, PESO, LYDO, SK, PNP, at maging sa grupomg MMTF, Kabayan, at Survivalist Philippines na nag-ukol ng panahon upang mapalawak pa ang kanilang kaalaman para maging mas mainam silang katuwang ng ating Lokal na Pamahalaan. Nagpapasalamat din po tayo sa ating mga nasasakupan sa Agpay na nag-ukol ng kanilang panahon upang maging bihasa sa pagtulong sakali mang may mangyaring mga emergencies sa Agpay Eco Park.
Sa pamumuno ni Sir 𝐒𝐡𝐚𝐥𝐥𝐨𝐦 𝐆𝐢𝐝𝐞𝐨𝐧 𝐁𝐚𝐥𝐨𝐥𝐨𝐧𝐠 sa ating MDRRMO at sa patuloy na pagtulong ng ating probinsya sa ilalim ng pamumuno ng ating butihing gobernador, 𝐇𝐨𝐧. 𝐑𝐚𝐦𝐨𝐧 𝐕. 𝐆𝐮𝐢𝐜𝐨 𝐈𝐈𝐈, gayundin sa suportang hatid ng 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬𝐢𝐧𝐚𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐑𝐞𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞, nananalig po tayo na anuman ang bagyo at kalamidad na nasa ating unahan ay kayang-kaya po natin itong malagpasan.
Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat sa inyong patuloy na pagsasanay at dedikasyon upang masiguro ang kaligtasan ng bawat San Nicolanian. Saludo po ako sa inyong lahat
-𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙
#ForAPreparedAndResilientSanNicolas
#MaramingSalamatPoGovernorGuico
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride