Muling nakalikom ang Bayan ng San Nicolas ng dagdag na dugo para sa Blood Bank sa isinagawa nitong Community-based Blood Donation noong nakaraang Lunes, April 3.
Sa pakikipagtulungan ng 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐑𝐞𝐝 𝐂𝐫𝐨𝐬𝐬 𝐔𝐫𝐝𝐚𝐧𝐞𝐭𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫, ang aktibidad ay ginanap sa Municipal Gymnasium at nakakolekta ng 54 na yunit ng dugo mula sa mga blood donors na may kabuuang 24,300ml o katumbas ng 6.4 na galon.
Ang patuloy po nating pagsasagawa ng programang katulad nito ay naglalayong maitaas ang kamalayan ng ating mga mamamayan sa pagdo-donate ng dugo at sa mahalagang papel nito sa pagpapanatili ng sapat na suply ng dugo na maaari nating gamitin sa panahon ng pangangailangan.
Maraming, maraming salamat po sa ating mga blood donors. Mabuhay po kayo!
–𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙
#Hero#Lifesaver#Additional54BagsCollected
#PhilippineRedCrossUrdanetaChapter
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride