Dati, nakikigamit lang ang San Rafael National High School (SRNHS) sa San Rafael Elementary School tuwing mayroon silang school program. Ngayon, may sarili na silang multi-purpose hall.
Mula sa Municipal Development Fund, pinondohan ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ang nasabing proyekto na may sukat na 105 metro kuwadrado upang maiwasan ang conflict sa schedule ng dalawang paaralan sa paggamit ng iisang multi-purpose hall.
Mayo ngayong taon nang inspeksiyunin ni Mayor Alice ang ongoing construction sa SRNHS. Ngayon, tapos na ito at magagamit na rin ng mga guro at estudyante sa kanilang mga pagpupulong, pagpapraktis, at pagsasagawa ng school activities at programs.
βNang humiling si ππ«. ππ¨π¦π’π§π π¨ π. ππ’π¬π¦ππ²π ππ sa akin ng multi-purpose hall, ramdam ko na inaasam ng mga bata at mga guro na magkaroon nito kaya hindi ako nagdalawang-isip na pondohan ito mula sa ating development fund. Hindi ako nagkamali dahil abot-langit ang tuwa nila nang matapos ang proyekto,β pahayag ng alkalde.
Bukod sa nasabing proyekto, nagbigay din si Mayor Alice ng semento, sand, at gravel para sa flooring ng hall.
#SchoolStage#MultiPurposeHall#FlooringProject#SanRafaelNationalHighSchool#SupportToEducationSector#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride