Ipinagpapatuloy po natin ang proyektong pagkakabit sa ating mga kabaranggayan ng solar-powered light, isang renewable energy na maliban sa maganda ito sa ating kalikasan ay nagbibigay din ng kapahingahan sa mga gastusin ng barangay dahil hindi na kailangan pang magbayad ng buwanang bill para sa kuryente.
Binisita ko po kamakailan ang ating proyektong Installation of Solar Lights Materials sa Brgy. Salpad na pinamumunuan ni 𝓚𝓪𝓹 𝓓𝓪𝓷𝓲𝓵𝓸 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓸𝓼 at natutuwa tayo dahil ang nailaan natin sa kanilang 8 units ng 200 watts Solar Lights at walong pirasong G.I. Pipe S40 3” para sa pagpapatayo nito ay maayos nilang naikabit at ngayon nga ay s’ya nang nagbibigay ng liwanag sa pagsapit ng gabi.
Nawa ang mga proyektong katulad nito ay pangalagaan ng ating mga kababayan sa Brgy. Salpad para sa mas maliwanag na komunidad at mailayo sila sa mga hindi kaaaya-ayang mga pangyayari lalo na kung kinagabihan.
Maraming salamat po
~𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙
#SolarPoweredLightsParaSaBarangaySalpad
#TappingRenewableEnergyForSanNciolas
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride