Wala pong pinipiling araw ang pagseserbisyo natin para sa mga mamamayan ng San Nicolas kaya kahit wala pong pasok ay patuloy ang paghahatid natin ng tuwa at saya sa ating mga minamahal na kababayan. Itong nakalipas na araw ng Linggo ay pinasaya natin ang ating mga Senior Citizens sa pamamagitan ng Libreng Eye Care Check-Up at Consultation sa pakikipagtulungan ng aking kapatid na si ๐‚๐จ๐ง๐ ๐ฐ. ๐Œ๐š๐ซ๐ฅ๐ฒ๐ง ๐‹. ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฌ-๐€๐ ๐š๐›๐š๐ฌ at ni ๐ƒ๐ซ๐š. ๐‚๐ก๐ž๐ซ๐ฒ๐ฅ ๐‚๐š๐ซ๐š๐ง๐œ๐ก๐จ ๐ƒ๐ž ๐‰๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฌ ng Pangasinan Eye Center.

Ramdam po namin ang mga hamon at problema na kinakaharap ng mga nakakatanda nating mga kababayan kayaโ€™t ginagawan po natin ito ng paraan upang masolusyunan. Nawa sa mga munting proyekto na katulad nito ay maramdaman nโ€™yo ang aming pagmamahal sa inyong lahat.

Maraming, maraming salamat sa suportang hatid ng mga staff ng 6th Congressional District, staff ng Pangasinan Eye Center, at sa mga staff ng San Nicolas Mayorโ€™s Office upang matagumpay na maisakatuparan ang paglulunsad ng programang ito sa ating bayan.

Sa 510 po na nagparehistro ay nakapag-alay po tayo ng 129 na refraction, nakapagbigay ng 180 reading glasses, 164 cataract check-up, at isang financial assistance.

Dios ti agngina!

~๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐€๐‹๐ˆ๐‚๐ˆ๐€ ๐‹. ๐๐‘๐ˆ๐Œ๐ˆ๐‚๐ˆ๐€๐’-๐„๐๐‘๐ˆ๐๐”๐„๐™

#EyeCareCheckUpAndConsultation

#ForSeniorCitizensOfSanNicolas

#SerbisyoPublikoKahitArawNgLinggo

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed