Kailian, alam nating lahat ang malalang sitwasyon ng ating mga kababayan na tumatawid sa Sabangan River. Matagal ng panahon na marami sa ating mga kababayan ang halos nakikipagpatintero sa kamatayan para lamang makatawid sa ilog na ito. Ang totoo, marami ng kwento ng aksidente maging ng pagkalunod mula pa noon dahil sa kawalan ng tulay sa bahaging ito ng ating bayan.

Tutuldokan na po natin ang paghihirap ng ating mga kababayan sa pagtawid sa Sabangan River sa Barangay San Rafael West kaya in the works na po ang Sabangan Foot Bridge Project na may habang 69.9 meters at lapad na 1.20 meters.

Isa po ang proyektong ito na totoong maipagmamalaki ng aking administrasyon dahil maiibsan na nito ang hirap at buwis-buhay na dinaranas ng ating mga kababayan dahil sa kawalan ng maayos na daraanan sa parteng ito ng ating bayan.

Masaya po ang inyong lingkod na matanggap ang hatid na pasasalamat ng ating mga kababayan sa San Rafael West sa pangunguna ng Punong Barangay na si 𝐊𝐚𝐩 𝐏𝐞𝐩𝐞 𝐕𝐚𝐥𝐞𝐧𝐜𝐢𝐚 kasama ang buong Barangay Council.

Asahan n’yo po na ipagpapatuloy po natin ang pagsasagawa ng mga proyektong katulad nito upang mabigyan natin ng kaginhawaan ang ating mga kababayang San Nicolanians.

Dios ti agngina🙏🙏

-𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙

#SabanganFootBridgeNowInTheWorks

#PuttingAnEndToDangerousPathways

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon