Lubos po akong nagpapasalamat sa serbisyo at sakripisyo ng ating mga 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 π‡πžπšπ₯𝐭𝐑 π–π¨π«π€πžπ«π¬ (BHWs) na patuloy na nagsisikap at nakikipagtulungan sa ating lokal na pamahalaan upang mabuo natin ang updated na mga data o datos sa ating bayan upang maisaayos natin ang mga kinakailangang detalye na gagamitin sa Universal Health Care System. Napakaimportante po ng mga detalyeng pinagsumikapan nilang mabuo dahil dito ibabatay ang mga impormasyon para sa Universal Health Care System ng ating bansa.

Kamakailan lang ay nakipagpulong ako sa ating mga BHWs na pinangungunahan ni Manang 𝐌𝐲𝐫π₯𝐚 𝐆𝐨π₯𝐭𝐒𝐚𝐨 upang pasalamatan sila sa kanilang kooperasyon at pagisikap na makalap ang mga data/profile ng lahat ng residente sa ating bayan, na siya namang ini-encode ngayon ng LGU sa system ng Philhealth para sa Universal Health Care System.

Hinding-hindi natin matatawaran ang mga pagpapagal at sakripisyo ng ating mga BHWs kaya’t kahit sa konting mga pamamaraan katulad ng pagbibigay sa kanila ng mga adisyunal na mga kaalaman through lectures katulad ng pagmanage ng wounds at iba pang mga kaalaman ay pinagsisikapan nating ibahagi sa kanila kung may mga pagtitipong katulad nito.

Muli, ang aming pasasalamat sa lahat ng mga BHWs ng San Nicolas. Mahal po namin kayo at lagi n’yong tatandaan na hindi namin malilimutan ang inyong mga sakripisyo para sa ating mga kababayang nasasakupan.

-πŒπ€π˜πŽπ‘ π€π‹πˆπ‚πˆπ€ 𝐋. ππ‘πˆπŒπˆπ‚πˆπ€π’-π„ππ‘πˆππ”π„π™

#ThankYouToAllOurBHWsForTheirSacrifices

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon