Isa na namang Veterinary Medical Mission para sa ating mga pet dogs and cats ang ating ilulunsad sa katapusan ng Buwan ng Mayo upang isulong ang responsableng pagmamay-ari ng mga alagang hayop para sa isang malusog at rabies-free na komunidad.
Gaganapin ang isang araw na medical mission sa 𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟑𝟎 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝟖:𝟎𝟎𝐚𝐦 𝐬𝐚 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐂𝐢𝐯𝐢𝐜 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫. Ang mga aktibidad na sakop ng mission ay ang mga sumusunod: information and education campaign, consultation, anti-rabies vaccination, deworming, vitamins administration, castration para sa mga male dogs and cats, at spaying naman para sa mga female cats.
Para sa castration at spaying services, ipinapaalam sa lahat ng pet owners na dapat silang magdala ng manila paper at blade at huwag nilang kalimutang i-fasting ang kanilang pet ng walong oras bago simulan ang operasyon. Hanggang tatlong (3) pets lamang bawat pet owner ang pueding sumailalim sa castration at spaying services. Ang mga spayed cats ay nire-require na magkaroon ng e-collar pagkatapos ng surgery upang maiwasan na mabuksan ang isinagawang incision.
Kailyan, patuloy din po tayong sumunod sa ipinapatupad na safety protocols on social distancing and wearing of facemasks sa paglulunsad ng medical mission pong ito. Maraming salamat po sa inyong kooperasyon.
~𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙
#AnotherVeterinaryMedicalMissionOnMay30
#RabiesFreeNaPusatAsoKaligtasanNgPamilyangPilipino
#ResponsiblePetOwnershipForAHealthyCommunity
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride