Labis ang pasasalamat ng West Central School SPED Center (WCSSC) kay Mayor Alice at sa pamahalaang lokal ng San Nicolas dahil sa ipinagkaloob nitong extended canopy sa stage ng nasabing paaralan.
โNaging agaran ang pagtugon ni Mayor Alice sa aming pangangailangan sa eskuwelahan. Mula sa needs assessment hanggang matapos ang proyekto ay hands-on siya kaya mula sa amin kasama ang Parents Teachers Association, nais naming ipaabot ang aming pasasalamat sa kaniya,โ ani ni ๐๐’๐๐ฆ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐๐๐ญ๐ก ๐๐ฎ๐๐๐ฌ, principal ng WCSSC.
Ang 172.48 sqm na canopy ay malaking tulong bilang pangharang sa matinding sikat ng araw maging sa ulan tuwing ginagamit ito sa mga aktibidad sa eskuwelahan.
โMagpapatuloy ang suporta ng LGU San Nicolas sa bawat paaralan sa ating bayan upang mas lalo pang mahikayat ang mga mag-aaral na paghusayan ang kanilang pag-aaral at upang maramdaman ng mga guro at magulang na kaisa kami sa adhikaing mahubog ang mga kabataang pag-asa ng bayan,โ saad ng alkalde.
Matatandaang ginawaran si Mayor Alice ng Pangasinan Division II bilang ๐๐ฎ๐ญ๐ฌ๐ญ๐๐ง๐๐ข๐ง๐ ๐๐ญ๐๐ค๐๐ก๐จ๐ฅ๐๐๐ซ ๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐จ๐ ๐๐๐ฎ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง dahil sa kaniyang natatanging kontribusyon sa sektor ng edukasyon.
#ExtendedCanopy#WestCentralSchoolSPEDCenter#WishGranted#SupportToEducationSector#ParaSaMgaBatangMagaaral#ParaSaBayan#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride