Dinagsa ang vaccination rollout ng pamahalaang lokal ng San Nicolas sa pangunguna ng Municipal Health Office upang labanan ang banta ng COVID-19 at pneumococcal infections.
Dahil dito, pinasalamatan ni Mayor Alice si 𝓓𝓻. 𝓕𝓻𝓪𝓷𝓬𝓲𝓼 𝓛𝓪𝔀𝓻𝓮𝓷𝓬𝓮 𝓢𝓾𝓫𝓲𝓭𝓸, municipal health officer, sa kaniyang sistematikong plano at programa na nagresulta sa matagumpay na vaccination rollout sa bayan ng San Nicolas.
Layunin ng programa na makapagbigay ng mas mahusay na proteksyon laban sa COVID-19 na dulot ng kasalukuyang umiikot na mga variant, maging ang pneumococcal infections na kailangan ng senior citizens at mga taong at-risk sa exposure dito.
“Ang virus na nagdudulot ng COVID-19 ay nagbabago sa paglipas ng panahon. Kailangang panatilihing napapanahon ang ating proteksyon laban sa virus sa pamamagitan ng pagkuha ng bivalent COVID-19 na bakuna,” paliwanag ni Mayor Alice.
Dagdag pa ng alkalde, “Ang pneumococcal infections tulad ng pneumonia at ear infections ay karaniwan. Bagaman ang infections na ito ay hindi masyadong karaniwan kaysa sa sipon at flu, maaari itong magresulta sa nakamamatay na komplikasyon. Para sa proteksyon ang pneumococcal conjugate vaccine.”
Pinayuhan naman ni Mayor Alice ang publiko na mag-antabay sa anunsiyo ng pamahalaang lokal para sa susunod na bivalent COVID-19 at pneumococcal vaccine rollout.
#BivalentCOVID19VaccineRollout#PneumococcalVaccineRollout#SuccessfulVaccinationRollout#GetVaccinated#BeProtected#MunicipalHealthOffice#LGUSanNicolasPangasinan#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride