Mabibigyang muli ng boses ang mga katutubo dahil itinalaga sa pangalawang pagkakataon si ๐. ๐๐๐ก๐๐ญ๐๐ง๐๐ฎ ๐๐ค๐ง๐๐ฃ๐ฏ๐ค bilang Indigenous Peoples Mandatory Representative sa Sangguniang Bayan ng San Nicolas.
Dumating si ๐๐๐๐๐ค๐ฃ๐๐ก ๐ฟ๐๐ง๐๐๐ฉ๐ค๐ง ๐๐๐ง๐ง๐๐๐ฉ ๐ผ๐๐ฎ๐๐๐๐ฃ๐ nitong Hulyo 3 upang personal na igawad ang Certificate of Affirmation kay Lorenzo na magsisilbi ng panibagong tatlong taon at magtataguyod sa mga karapatan ng Indigenous people sa naturang bayan.
โMalaki ang ambag hindi lamang sa lipunan kundi pati na rin sa kultura at kapaligiran ng San Nicolas ang mga Indigenous people. Kung kayaโt binabati ko si IPMR Felixfrey Lorenzo sa panibagong pagkakataong ipinagkaloob sa kaniya upang magsilbi sa mga kapwa niya katutubo,โ pahayag ni Mayor Alice.
Dagdag pa ng alkalde, patuloy niyang susuportahan ang mga programang may layuning mapaunlad, mapagkaisa, at mapalakas ang samahan ng mga katutubo sa San Nicolas.
Ang pagkakatalaga ni Lorenzo ay alinsunod sa Seksiyon 16 ng Batas Republika Bilang 8371 o Indigenous Peoples Rights Act of 1997.
#CongratulationsIPMRLorenzo#IndigenousPeoplesMandatoryRepresentative#SangguniangBayanSanNicolas#Affirmation#IndigenousPeoples#IndigenousPeoplesRights#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride