Kitang-kita ang galing at kahusayan ng ating mga kabataan sa chalk art, cosplay, at busking o pop-up performances sa espesyal na tampok kahapon (Perbrero 3) sa Municipal Park. Isang kamangha-manghang pagtatanghal ng sining at musika, kasama ang spoken poetry at open-mic session, sa pagsalubong sa National Arts Month.

Pinaabot ng Chairperson ng Municipal Tourism and Arts Council at Mayor Alicia L. Primicias-Enriquez ang taos-pusong pagpupugay sa mga kahanga-hangang talento ng kabataang San Nicolanian. Binigyang diin sa kanyang opening message ang kahalagahan ng lokal na talento at sining, hindi lang bilang pandagdag-kulay sa paligid kundi pati na rin sa pagbuo ng alaala at kahulugan sa ating komunidad.

“Bukod sa pagiging therapy at form of expression, itinuturing din natin ang mga ganitong art form bilang tulay sa pagpapayabong ng ating lokal na turismo,” dagdag pa ni Mayor Alice.

Hindi rin nagpahuli sina Vice Mayor Alvin Bravo, Sangguniang Bayan Members at mga kasapi ng Sangguniang Kabataan Federation sa pagpapakita ng suporta sa mga talented artist, na nag-sampol sa Municipal Park para gawin itong tila isang giant canvas.

Layon ng #ArtBeat, na inorganisa ng Municipal Tourism Office at ng Local Youth Development Office, na ipakita ang artistic side ng mga kabataan, gayundin ang kanilang gampanin para sa masigla, malikhain at ingklusibong San Nicolas.

#ArtBeat#ChalkArt#Cosplay#Busking#NationalArtsMonth#AniNgSining#BayangMalikhain#CreativityInSanNicolas#Kultura#Sining#LoveMonth#LoveSanNicolas#SeePangasinan#CommunityDesign

#Tourism#YouthEmpowerment#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon