Handa nang magpakitang-gilas at magtanghal ang mga mag-aaral ng Nining Elementary School matapos silang patayuan ng bagong school stage ng pamahalaang lokal ng San Nicolas.
Ang nasabing proyekto ay isa lamang sa mga development project na natapos sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Alice na hindi nag-atubiling maglaan ng pondo mula sa Municipal Development Fund upang maisaayos at magkaroon ng bagong mukha at bihis ang school stage na magagamit sa school programs at activities.
“Stage pa lang ang natapos natin dahil kinulang tayo sa budget ngunit nangako naman akong ipagpapatuloy pa nating gawin ang roofing ng social hall. Ang mahalaga ay naumpisahan na natin ang magandang proyektong ito,” saad ni Mayor Alice.
Ang nasabing paaralan na pinangungunahan ni 𝓖. 𝓛𝓮𝓸𝓷𝓪𝓻𝓭𝓸 𝓜𝓮𝓻𝓬𝓪𝓭𝓸, dalubhasang guro, ay nagpahatid ng pasasalamat sa butihing alkalde dahil hindi maipagkakaila ang mainit na pagmamahal ni Mayor Alice sa mga batang makabansa at sa sektor ng edukasyon.
Samantala, sabik na sabik na rin ang mga guro, magulang, at mag-aaral sa susunod na proyekto ng pamahalaang lokal ng San Nicolas na siguradong mas makapagbibigay nang maayos na serbisyo sa Barangay Nining tuwing may mga pagdiriwang at mga pagpupulong sa lugar.
#NiningElementarySchool#NewSchoolStage#BansangMakabata#BatangMakabansa#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride