Dome lights. Cone trees. Tree house. Iyan lang naman ang tatlo sa maraming dapat abangan sa ating Christmas in the Park 2023 na siguradong maghahatid ng panibagong saya, tuwa, at pag-asa sa bawat pamilyang San Nicolanian ngayong darating na Kapaskuhan.

Puspusan na nga ang ginagawang paghahanda ni Mayor Alice katuwang sina ๐Œ๐ฌ. ๐‚๐ก๐š๐ซ๐ฆ๐š๐ข๐ง๐ž ๐Œ๐ž๐ฌ๐ข๐š๐ฌ bilang monitoring supervisor, ๐Œ๐ซ. ๐Œ๐š๐ซ๐ค ๐ƒ๐ฎ๐ง๐ก๐ข๐ฅ๐ฅ bilang landscape at arts designer, ๐Œ๐ซ. ๐Œ๐ž๐ฅ๐œ๐ก๐จ๐ซ ๐„๐ฌ๐ญ๐ซ๐ž๐ฅ๐ฅ๐š bilang mural designer, at workers na job orders, mga benepisyaryo ng TUPAD at cash for work program, at mga regular na empleyado ng pamahalaang lokal ng San Nicolas.

โ€œWalang duda tungkol sa katotohanan na ang ating lakas ay nakasalalay sa pagkakaisa. Pinagsama-sama ng mga kahanga-hangang taong ito ang lahat ng kanilang talento at nagsanib-puwersa upang pagandahin pa ang San Nicolas,โ€ saad ni Mayor Alice bilang pasasalamat sa kontribusyon ng mga tao sa likod ng Christmas in the Park.

Handa ka na bang masilayan ang pinabonggang Christmas in the Park? Yayain na ang buong barkada at pamilya at sama-sama nating salubungin ang kapaskuhan nang may ngiti sa labi, may pagmamahal sa puso, at may liwanag ng pag-asa sa bawat tahanan ngayong darating na ๐ƒ๐ž๐œ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ.

Hindi na kami makapaghintay na muli kayong makita dahil tiyak na muling magliliwanag at magniningning ang buong bayan ng San Nicolas kapag kayo ang aming kasama.

#ChristmasPreparation2023#ChristmasInThePark2023

#PaskuhanSaSanNicolas2023#TogetherAsOne#StrengthLiesInUnity

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed