Si Mayor Alicia ay lubos na nagpapasalamat sa ating butihing congresswoman, 𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐌𝐚𝐫𝐥𝐲𝐧 𝐋 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐢𝐜𝐢𝐚𝐬-𝐀𝐠𝐚𝐛𝐚𝐬 sa pagbigay ng alokasyon para sa mga San Nicolanians na nagnanais mag-avail ng TESDA scholarships. Ang tawag sa scholarship na ito ay TWSP o ang Training for Work Scholarship.

Ang TWSP ay para sa mga job seekers na nangangailangan ng required skills para sa mga in-demand jobs.

Mayroong available na twenty five (25) scholarship slots sa mga gustong mag-aral ng 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐝 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐚𝐬𝐭𝐫𝐲 𝐏𝐫𝐨𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐍𝐂 𝐈𝐈); libre tuition at libre assessment.

“First come, first serve” ang sistema sa pagtatanggap ng mga iskolars. Sisimulan ang kurso sa December 6 at gaganapin ito sa San Nicolas Training and Assessment Center.

Sa mga gustong mag-aral, maghanda lamang po ng mga sumusunod:

1. Kopya ng birth certificate

2. Kopya ng marriage certificate (kung ikinasal)

3. Kopya ng School credentials (Form 137/138, certificate of rating o Transcript of Record)

4. Latest passport size white background with collar and name tag (tatlong piraso)

5. 1×1 picture (dalawang piraso)

Sa mga interesado, magtungo po lamang sa opisina ni 𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐥𝐞𝐧𝐞 𝐁. 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐚, ang ating PESO Manager, para sa karagdagang impormasyon at submission ng inyong applications.

Don’t miss the chance. Be a TESDA scholar now! 🧑‍🍳👩‍🍳

#FreeTESDAtraining#NCII#NTFELCAC

#InServiceOfThePeopleOfSanNicolas

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon