Pumirma ng Commitment Manifesto ang pamahalaang lokal ng San Nicolas sa pangunguna nina Mayor Alice at Vice Mayor Alvin sa isinagawang Community-based Anti-Illegal Drugs Advocacy Training nito lamang Enero 25 at 26.
Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang programa sa pamamagitan nina Admin. Officer Bismark Bengwayan, Atty. Jemyma Dickson ng Legal Officer and Prosecution Unit, Glaiza Abalos, Desiree David, Maryjean Botes, Jenny Lagmay, at Charisse Solis.
Tanda ng patuloy na pakikiisa ng bayan ng San Nicolas sa pagsugpo sa ilegal na droga, ang manifesto ay sanib-puwersang pinirmahan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Sangguniang Barangay, Sangguniang Kabataan, at mga miyembro ng Municipal at Barangay Anti-Drug Abuse Council.
Kaagapay din sa pangangasiwa ng training ang Municipal Anti-Drug Abuse Council sa pangunguna nina Dr. Carl Jones Alimorong, Mun. Health Officer Francis Lawrence Subido, Mae Kathleen Kay Tenirife ng Rural Health Unit, PCPT George Banayos Jr. at PSSG Jessa Mae Laganina, MSWD Officer Nerissa Gallardo, at Tourism Officer Emelyn Manangan kung saan 134 na miyembro nito ang nakapagsanay.
Layunin ng pagsasanay na pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan lalong-lalo na ang mga kabataan laban sa pinsalang dulot ng droga.
#DrugFreeSanNicolas#LabanKontraDroga#SayNoToDrugs#DrugAwareness#MayorAliciaPrimiciasEnriquez
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride