Kailian, ikinararangal kong ibalita sa inyong lahat na ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas ay pumasa sa 2023 Good Financial Housekeeping assessment ng Bureau of Local Government Supervision sa ilalim ng Department of Interior Local Government.
Ang pagkakaloob sa atin ng Good Financial Housekeeping ay hindi lamang nagpapakita ng pagsunod ng ating lokal na pamahalaan sa transparency ng pananalapi kundi pati na rin ang pangako natin sa isang responsive, honest, at good governance sa kabuoan.
Nagpapakita ito ng patuloy na pangako ng bayan sa disiplina sa pananalapi at transparency sa lokal na badyet at pananalapi, mga bid, at mga public offering.
Nagsisilbi itong patunay sa ating mga pagsisikap na gastusin ang ating badyet at pananalapi sa isang malinaw at tapat na paraan habang naghahatid ng mga programa at serbisyong pinakakapaki-pakinabang sa inyong aming mga nasasakupan.
Makakaasa po kayo na patuloy po kaming matiwasay at tapat na mamamahala, maayos na mangangasiwa sa mga transaksyong pinansyal sa ating bayan.
Lagi’t lagi para sa bayan.
𝐃𝐫. 𝐀𝐥𝐢𝐜𝐢𝐚 𝐋. 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐢𝐜𝐢𝐚𝐬-𝐄𝐧𝐫𝐢𝐪𝐮𝐞𝐳
𝖬𝗎𝗇𝗂𝖼𝗂𝗉𝖺𝗅 𝖬𝖺𝗒𝗈𝗋