Sabay-sabay na nag-“I do” sa kasalang bayan ang 25 couples para sa isang double celebration ngayong Valentine’s Day!

Handog ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ang libreng kasal na ginanap sa Agpay Eco Park kabilang ang brides’ bouquet, grooms’ brooch, wedding ring, aras, wedding photos, souvenirs, at food.

Sa harap ni Mayor Alice na nagsilbing solemnizing officer, nagpalitan ng mga pangako’t panata ang mga magsing-irog upang makapagsimula ng kanilang panghabambuhay na pagsasama bilang mag-asawa.

Ibinahagi ng alkalde ang kahalagahan ng 4C’s: Commitment, Communication, Compassion at Christ bilang mga sangkap sa isang matiwasay at masayang pagsasama.

Samantala, sa araw ding iyon ipinagdiwang nina Sir Zandro at Mayor Alice ang kanilang 23rd wedding anniversary kasabay ng pag-iisang dibdib ng 25 na magsing-irog.

#CivilMassWedding#NatureWedding#WeddingInAgpayEcoPark#AgpayEcoPark#YesIDo#Commitment#Communication#Compassion#Christ#ValentinesDayWedding#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon