Malaki ang pasasalamat ng 285 San Nicolanians dahil sa patuloy na pagbibigay ng tulong ni Cong. Marlyn Primicias-Agabas sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Program ng Department of Labor and Employment.

Noong June 5 ay tumanggap sila ng kanilang payout na Php 4,350 katumbas ng 435 piso bawat araw ng paggawa bilang bahagi ng emergency employment program na layong maibsan ang kahirapan na kanilang nararanasan.

โ€œKulang ang salitang โ€˜Salamatโ€™ upang tumbasan ang kabutihan ni Cong. Marlyn sa bayan ng San Nicolas dahil hindi niya nakakalimutang bigyan ng magagandang oportunidad ang lahat ng San Nicolanians na nangangailangan ng tulong,โ€ saad ni Mayor Alice.

Sa TUPAD program, ang mga benepisyaryo ay nagsagawa ng iba’t ibang gawain sa loob ng sampung araw, kabilang ang pagkukumpuni at pagpapanatili ng mga pasilidad ng kanilang barangay, paglilinis at pagtatanim na mga hakbangin, pagtugon sa kalamidad, at mga pagsisikap sa rehabilitasyon.

#EmergencyEmploymentProgram#TulongPanghanapbuhay#DisadvantagedDisplacedWorkers#DOLE#TUPADProgram#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon