Sementado na ang mga kalsada sa Sitio Nancolaran at Sitio Laud ng Barangay San Isidro na may habang 70 metro (40 m. sa Nancolaran at 30 m. sa Laud) at may lapad na 2.5 metro sa tulong ng pamahalaang lokal ng San Nicolas.

Personal na nagpunta si Mayor Alice sa nasabing barangay pang magsagawa ng inspeksyon sa nasementong daan kung maayos at matibay ba ang pagkakagawa nito.

“Napakagandang makitang natapos na ang concreting project na ito. Nawa sa suportang aming ipinapaabot sa mga barangay, maiparamdam namin na kaisa ninyo kami at ang lokal na pamahalaan tungo sa inaasam ninyong pagbabago,” saad ng alkalde.

Umabot sa 243 na sako ng Portland cement at 15 truckloads ng mixed sand at gravel ang ibinigay ng lokal na pamahalaan upang mas mapabilis ang project completion.

Samantala, nagpasalamat naman ang barangay council ng San Isidro sa pamumuno ni PB Allan Sigfred T. Luzano sa suporta na ibinigay ng alkalde para maisakatuparan ang proyektong ito.

#DaanSaSitioNancolaran#DaanSaSitioLaod#SementadoNa#InfrastructureProjects#AccessRoads#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon