Tumanggap ng sahod mula sa Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang 51 na San Nicolanians.

Pinangunahan nina Mayor Alicia L. Primicias-Enriquez, DOLE Senior Labor and Employment Officer Ms. Mary Jane Hufano at TUPAD Coordinator Mr. Kevin Brandon Lopez ang naturang payout. Ang sweldo na nagkakahalaga ng apat na libong piso (P4,000) bawat benepisyaryo ay napondohan sa inisyatibo ni π‚π¨π§π π«πžπ¬π¬π°π¨π¦πšπ§ 𝐌𝐚𝐫π₯𝐲𝐧 𝐋. 𝐏𝐫𝐒𝐦𝐒𝐜𝐒𝐚𝐬-π€π πšπ›πšπ¬.

Ang mga TUPAD beneficiaries ay nagtrabaho sa Christmas in the Park, Public Cemetery at Municipal Grounds kung saan sentro ng kanilang trabaho ang pagpapanatili ng kalinisan at pagpapaganda sa mga nabanggit na lugar.

Makikita ang tuwa at saya sa kanilang mga mukha nang tanggapin nila ang kanilang sahod.

β€œSa hirap po ng buhay ngayon, malaking tulong po ito sa aming pang araw-araw na gastusin lalo na’t may mga pinapaaral kami. Kaya naman kami po ay nagpapasalamat kay Congresswoman Marlyn, kay Mayor Alicia at sa DOLE. Maraming salamat po,” pahayag ng mga TUPAD workers.

Hinimok naman ni Mayor Alice ang mga TUPAD beneficiaries na gamitin ang kanilang sweldo sa tamang paraan upang matulungan ang kanilang pamilya.

#TUPADPayout#TUPADBeneficiaries#TUPADWorkers

#ThankYouCongresswomanMarlynPrimiciasAgabas

#ThankYouDOLE

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon