Natanggap na ng 58 benepisyaryo ng cash-for-work (CFW) program ang kanilang payout matapos silang pagkalooban ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng pansamantalang hanapbuhay sa loob ng lima hanggang sampung araw.

Nasa Php 179,900.00 ang naipamahaging payout sa mga benepisyaryo na ibinatay sa kanilang trabaho: Php 370 bawat araw sa office work, Php 400 bawat araw sa laborers, at Php 600 bawat araw sa skilled workers.

Ang mga benepisyaryo ay nagsagawa ng paglilinis sa Brgys. Nagkaysa, Poblacion East, at Casaratan kasama ang slaughterhouse, public cemetery, evacuation center, Agpay Ecotourism Park habang ang iba naman ay nagtrabaho sa opisina ng Local Civil Registry.

Layunin ng CFW program na makapagbigay ng makabuluhang serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagsasagawa ng produktibong gawain na makakatulong sa pag-unlad ng komunidad at mapabuti ang buhay ng mga taong nakilahok sa program.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD#DSWDCashForWorkProgram#CashPayout#HelpingTheVulnerableCommunities#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon