Nakapagtala ng 93 pet owners ang naserbisyuhan sa isinagawang Veterinary Medical Mission noong Biyernes upang masigurado po nating malusog at rabies-free ang mga alagang hayop sa ating bayan.

Ang aktibidad pong ito na inilunsad sa pagtutulungan ng ating LGU at ng Provincial Government of Pangasinan sa pamumuno ni ๐†๐จ๐ฏ. ๐‘๐š๐ฆ๐จ๐ง ๐†๐ฎ๐ข๐œ๐จ ๐ˆ๐ˆ๐ˆ ay pinangunahan ng ating Municipal Agriculturist, ๐„๐ง๐ ๐ซ. ๐‚๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ๐ฉ๐ก๐ž๐ซ ๐’๐ž๐ช๐ฎ๐ขรฑ๐š, at ni District VI veterinarian ๐€๐ซ๐ข๐ž๐ฅ ๐๐š๐ฅ๐จ๐ฅ๐จ๐ง๐ . Nakapagtala po ito ng castration services sa 8 na aso at 19 na pusa, spaying services sa 27 na pusa, deworking services sa 56 na aso at 8 na pusa, vaccination services sa 45 na aso at 28 na pusa, vitamins administration sa 51 na aso at 29 na pusa, at consultation services para sa 15 na aso at 1 na pusa.

Nagpapasalamat po tayo sa patuloy na pakikipagtulungan ng ating mga kababayan sa mga ganitong proyekto para maisulong natin ang responsableng pagmamay-ari at pag-aalaga sa ating mga companion animals patungo sa isang rabies-free na komunidad.

~๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐€๐‹๐ˆ๐‚๐ˆ๐€ ๐‹. ๐๐‘๐ˆ๐Œ๐ˆ๐‚๐ˆ๐€๐’-๐„๐๐‘๐ˆ๐๐”๐„๐™

#LatestVeterinaryMedicalMissionServed93PetOwners

#RabiesFreeNaPusatAsoKaligtasanNgPamilyangPilipino

#ResponsiblePetOwnershipForAHealthyCommunity

#ThankYouGovernorGuico

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *