Tumanggap ng 97 na LED Solar Lights (300 watts), 12 na (200 watts), at 92 pirasong G.I. Pipes (2 1/2” S40) ang 11 barangay ng San Nicolas bilang patunay ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at iba’t ibang sektor upang maihatid ang mas maayos at ligtas na pamumuhay para sa mga residente ng bayan.

Dinaluhan nina Mayor Alicia Primicias-Enriquez at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga kapitan ng barangay, at kanilang mga opisyal mula sa Brgys. Bensican, Cacabugaoan, Calanutian, Camangaan, Camindoroan, Fianza, San Felipe West, Lungao, San Jose, Malilion, at Sto. Tomas.

Ayon kay Mayor Alice, ang pamamahagi ng solar lights ay isang hakbang upang mas mapabuti ang kaligtasan at kapaligiran ng mga barangay. Dagdag pa niya, ang pagkakaroon ng solar lights ay hindi lamang magbibigay-liwanag sa mga lansangan kundi magpapalakas din ng kaligtasan at seguridad sa buong bayan.

#SolarLights#GreenInitiatives#SustainableFuture#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon