Gumawa ng kasaysayan ang pagdiriwang ng kauna-unahang Larry Itliong Day sa San Nicolas, Pangasinan dahil nagbigay ito ng pagkakataon sa bayang sinilangan ni ‘Seven Fingers’ na mas kilalanin at ipagmalaki ang kaniyang malaking kontribusyon sa kasaysayan ng paggawa sa Amerika.
“Bilang isang kilalang lider ng kilusang paggawa at isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng karapatan ng mga manggagawang Pilipino at iba pang lahi sa Estados Unidos, pinatunayan ni Larry Itliong na mahalaga ang kaniyang mga nagawa at ang inspirasyon na dulot ng kaniyang buhay at pakikibaka magpahanggang ngayon,” saad ni Mayor Alice.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Vicente Baracina ang banal na misa at nagpayong alalahanin nang may buong pasasalamat ang buhay ng magiting na bayani at gawing inspirasyon ang kaniyang mga pagpapasya sa mga bagay pagkatapos ng maingat na pag-unawa.
Tampok sa nasabing selebrasyon ang Indigenous Peoples’ cultural presentation ng mga Igorot na mag-aaral mula sa Malico National High School, drum and lyre exhibition ng Sta. Maria National High School Drum and Lyre Corps, ang storytelling ng “The Untold Story of Larry Itliong: Labor Rights Hero” na pinangunahan ni Teacher Ruth Ann Macasabuang, at ang special performance ni Broadway Actor Miguel Braganza II.
Nagkaroon din ng poster making contest, Baybayin Workshop kasama si Howie Severino, Di Ka Pasisiil public speaking contest, Dap Ay Learning Circles, Chalk Art Exhibition, at Tayaw Mass Dance na lubos na ikinatuwa ng marami.
Sa kaniyang mensahe, binigyang diin ni Horacio “Howie” Severino na tulad ni Itliong, manindigan para sa prinsipyo’t huwag magpapaapi, magbuklod at mag-organisa, at sikaping pagbutihin ang buhay sa bayang tinubuan.
Nakisaya rin ang kaanak ni Itliong na si Primitivo Iñigo Itliong, GMA Pinoy TV Head of Interntional Operations Joseph Jerome Francia, Larry Itliong Day Philippines Campaign Coordinator Eliseo Art Silva, Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Alvin Bravo, President of Youth for Pangasinan Heritage, Nicanor D. Germono Jr., PSDS Dr. Imelda Lazaro and PSDS Dr. Renato Umipig, Association of Barangay Captains at Barangay Councils sa pangunguna ni PB Jason Ramirez, SK Chairpersons at kanilang councils sa pangunguna ni SK Pres. Gian Jetrho Manansala, at IP brethren sa pangunguna ni IPMR Felixfrey Lorenzo.
“Ang pagdiriwang na ito ay simbolo ng pag-ugat sa sariling kultura at kasaysayan na nagbigay-daan upang mas maunawaan at pahalagahan ng mga kabataan ang kanilang pinagmulan at ang mga bayani ng ating bayan tulad ni Larry Itliong,” pagtatapos ni Mayor Alice.
#LarryItliongDayPH#HistoryMade#LarryItliong#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride