Sumailalim sa isang re-orientation ang Pantawid Coordinators at Partner Stakeholders ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) upang mas mapalalim pa ang kaalaman sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad.
Tinalakay sa programa ang kasaysayan ng 4Ps, proseso ng registration kabilang ang household targeting, beneficiary registration, at beneficiary information update. Kasama rin sa mga tinalakay ang compliance monitoring at case management, na kinabibilangan ng compliance verification, case management, at grievance redress system.
Bukod dito, tinalakay din ang sistema ng pagbabayad, mga programa at aktibidad tulad ng family and youth development sessions, livelihood at iba pang intervention. Napag-usapan din ang proseso ng graduation at exit ng mga benepisyaryo, pati narin ang organizational structure ng DSWD at mga advisory council.
Mula sa DSWD Provincial Office, dumalo sina Stephanie Angel, PMEO; Marvin Cheng, Beneficiary Data Officer; Jerrymiah C. Ranjo, Compliance Verification Officer; at Arvin John Suyat, Cluster Grievance Officer. Kasama rin sa mga dumalo ang mga Municipal Officer na sina Rhea De Leon, PDO II / Municipal Link; Cristy Sumera, PDO II / Municipal Link; at Ma. Editha Manuel, Social Welfare Assistant.
#PantawidCoordinators#PartnerStakeholders#PantawidPamilyangPilipino#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride