Nasa 675 senior high school students at mga magulang mula sa San Nicolas ang nabiyayaan sa bagong programa para sa edukasyon ng gobyerno na “Tulong Eskwela” program sa ilalim ng Deparment of Social Welfare and Development na inilunsad sa bayan ng Tayug kamakailan.

Ang nasabing programa ay naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga pamilyang Pilipino na may mga mag-aaral sa senior high school, na tinitiyak na ang mga pagkakataong pang-edukasyon ay mananatiling magagamit, partikular para sa mga nahaharap sa kahirapan sa buhay.

“Ipinapaabot ko ang aking taos-pusong pasasalamat kay Cong. Marlyn Primicias-Agabas dahil patuloy niyang inilalapit ang mga programang inilulunsad ng Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. katuwang si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa bayan ng San Nicolas,” saad ni Mayor Alice.

Samantala, humihingi naman ng pang-unawa ang alkalde para sa mga hindi naisama sa unang batch ng distribution dahil may naghihintay pang next batch para sa kanila.

𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨 𝐂𝐫𝐞𝐝𝐢𝐭𝐬: 𝐌𝐚𝐫𝐥𝐲𝐧 “𝐋𝐞𝐧” 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐢𝐜𝐢𝐚𝐬-𝐀𝐠𝐚𝐛𝐚𝐬 𝐅𝐚𝐜𝐞𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐏𝐚𝐠𝐞

#DSWDTulongEskwela#CashAssistance#SerbisyoaNaimpusoan#TogetherWeServe#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *