“𝘎𝘦𝘯𝘵𝘰 𝘨𝘦𝘯𝘵𝘰 ‘𝘥𝘪 ‘𝘵𝘰 𝘣𝘢𝘴𝘵𝘢-𝘣𝘢𝘴𝘵𝘢 𝘣𝘪𝘯𝘨𝘰

𝘕𝘦𝘦𝘥 𝘮𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘶𝘮𝘱𝘭𝘦𝘵𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘦𝘯𝘵𝘰 𝘨𝘦𝘯𝘵𝘰

𝘈𝘯𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘮𝘰 (𝘨𝘦𝘯𝘵𝘰)

𝘗𝘪𝘭𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘶𝘬𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘮𝘣𝘶𝘯𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘨𝘪𝘯𝘵𝘰 𝘨𝘪𝘯𝘵𝘰.” 🎶

Ito ay ilang linya lamang mula sa isa sa maraming kantang ating maririnig at aawitin sa pagbubukas ng ating Christmas in the Park bilang pagsalubong sa araw ng Kapaskuhan. Alam kong nasasabik na ang bawat isa sa atin sapagkat ito ang araw kung saan tayo ay lalabas upang makapamasyal kasama ang ating mga pamilya, kaibigan, at iniibig.

Ngayong 2023, nais naming ihandog ang mga awiting swak na swak sa panlasa ng mga millennials at Gen Z tulad ng Gento ng SB19 bilang pagkilala sa mga hari ng Pinoy Pop ngayon. Magkakaroon din ng K-Pop, Disney, at OPM songs na tiyak na magpapaindak at magpapaligaya sa lahat ng generations na manonood sa ating fountain show.

Kaya habang papalapit ang araw bago sumapit ang ating grand opening, damhin natin ang mensahe ng papalapit na Pasko, simple ngunit puno ng pag-asa at puno ng pag-ibig. 🥰❤️

~ 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon