Gayon na lamang ang tuwa ng lahat ng senior citizens ng bayan ng San Nicolas nang dumating si Mayor Alice upang personal na iabot ang kaniyang Pamaskong Handog para sa kanila ngayong Kapaskuhan.

Sa unang araw ng distribusyon, pinuntahan ni Mayor Alice kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang mga lolo’t lola sa San Rafael Centro, San Rafael East, San Rafael West, Malilino, Lungao, Salingcob, at Dalumpinas upang masiguro na lahat ay mabibigyan o makakatanggap, mayaman o mahirap.

Ginawa umano nila ito ayon pa sa alkalde, hindi lamang dahil ang diwa ng Pasko ay pagmamahalan, pagtutulungan at pagbibigayan kundi maging ang pagkakapantay- pantay.

Mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, isasagawa ang distribusyon ng Pamaskong Handog para kina Lolo at Lola.

#PamaskongHandog2023#ParaKinaLoloAtLola#MaligayangPaskoSeniorCitizens#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon