Sa patuloy po nating paglingap sa ating mga mamamayan sa ating bayan ay nagpagawa po tayo ng mas maayos na tulay para sa ating mga nasasasakupan sa Brgy. Camindoroan upang masiguro ang kanilang kaligtasan lalo na sa pagtaas ng tubig sa mga panahon ng pag-ulan at pagbaha.

Ang bagong tulay na ito ay atin nang pinasinayaan sa isang okasyon kasama si Father Farley Castro at mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Kap Faustino Rodrigo na nagpahatid ng kanilang taos-pusong pasasalamat dahil sa bagong proyektong ito.

Kailian, hindi po tayo titigil na maghatid ng mga ganitong proyekto na makakapagbigay hindi lamang ng tuwa at saya para sa ating mga mamamayan, kundi ng panatag na kalooban dahil mas ligtas na ang kanilang lugar at mga daanan.

Nawa ay patuloy po tayong magtulungan para sa patuloy na pag-unlad at ikakaayos pa ng ating bayang minamahal.

Maraming salamat po. 😊💖

-𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙

#BagongTulaySaCamindoroan

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon